Kamusta mga Ka-Takbong Pinoy? Kamusta na ang iyong mga kalagayan matapos ang ilang araw na paguulan na dinulot ng habagat sa ating bansa, kahit hanggang ngayon may kalat-kalat pang pagulan. Sa ganitong panahon marami tayong mga hindi nagagawa una sa lahat ang pagtraining sa pagtakbo. Marami na naman ang mga parating na magagandang running events pero ano ang magagawa natin kung hindi magpahinga at makinig ng balita kung ano na ang kalagayan ng ating mga kababayan na naapektuhan ng pagbaha.
Manila City Hall
Wala naman tayong masisisi sa mga ganitong pangyayari dahil ito ay biyaya ng ating kalikasan sa atin, para panatilihin natin ang pagiging matatag, matapang at pagtutulungan sa kabila ng mga unos na ating pinagdadaraanan.
Kalagayan sa E. Rodriguez Ave., Quezon City - Kuha ni Valerie Mercado ng Bayan Mo Ipatrol Mo
Ito ang mga patunay kung ano ang naging dulot ng bagsik ng Habagat.
Mga Ka-Takbong Pinoy, hindi man natin nagawang tumakbo sa mga panahon ngayon, takbuhin na rin natin ang ating mga tulong sa malalapit na tumatanggap ng mga donasyon para sa mga kababayan nating naapektuhan ng pagbaha sa iba't ibang parte ng ating bansa. Ating ipagpasalamat din dahil hindi natin nararanasan kung ano ang nararanasang hirap ng ating mga kababayan sa panahong ito, ang iba nawalan ng bahay at mga mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng pagpapaabot ng ating mga tulong pagkain, instant noodles, tubig, mga de lata at iba pang mga kagamitan na pwedeng nilang ipanlaban sa lamig at ulan.
Ito ang mga ahensya o organisayon na tumatanggap ng tulong pinansyal at donasyon para sa ating mga kababayan. God Bless us.
No comments:
Post a Comment