Thursday, June 21, 2012

Athletes In Action-Schools Run for School Rooms


Mga KaTakbongPinoy! Naalala nyo pa ba itong mga pangyayari na naganap nung nakaraang taon, 2011?Bagyong Sendong isa sa mga dumaang bagyo na nagiwan ng isang malaking pinsala sa iba't ibang nahagi ng ating bansa. Isa na rito ang nakaranas ng matinding pagkapinsala ay ang bayan ng Iligan City kung saan marami ang nagbuwis ng buhay, nawalan ng mga ari-arian, tirahan at hanapbuhay.

Sa mga litrato na ito makikita natin kung gaano humagupit ang nasabing bagyo sa ating mga kababayan sa Iligan City na hanggang ngayon unti-unti pa rin nilang inaahon sa pagkasadlak sa putik ang kanilang bayan ngunit hindi yun kadali para maibalik kung ano ang sigla noon matapos mapinsala ang bayang ito ng bagyo. Paaralan, isa sa pinakamahalagang pundasyon ng mga Pilipino kung saan tayo natuto ng mga bagay na ating magagamit sa hinaharap. Paaralan din ang isa sa nagiging problema ng bayan ng Iligan City. Sa magandang kalooban ng ating mga kababayan at kilala sa iba't ibang industriya sa pangunguna ni Mr. Jose Mari "Butch" Albert ng FILA,HUPER INTERNATIONAL at ng ATHLETES IN ACTION ay bumuo ng isang proyekto ng kung saan ang tanging misyon ay magtayo ng mga eskwelahan sa bayan ng ILIGAN CITY, ang proyektong ito ay tinawag na Athletes In Action-Schools Run for School Rooms isa itong RUN FOR A CAUSE EVENT. Kung saan ang malilikom sa programang ito ay gagamitin sa paggawa ng mga paaralan ng ating mga kababayan sa ILIGAN CITY, sa pamamagitan ng pagtakbo marami ang ating matutulungan para magaral sa isang matiwasay at maayos na silid-aralan. Tumakbo ka na, naging malusog ka pa at higit sa lahat nakatulong ka pa! Para sa kumpletong detalye ng programang ito: Feel free to check this link - www.siguecorrer.com Ating ipamahagi ibahagi sa ating mga kababayan at mga KATAKBONG PINOY ang programang ito. Salamat!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...