Kamusta mga Ka-Takbong Pinoy? May katagalan yung aking paggawa ng mga artikulo dahil sa mga sakuna at dala ng kalikasan sa ating bansa. Kamusta ka matapos ang 36th National Milo Marathon, kung “first time” mo na nakasali sa Milo Marathon ano ang maibabahagi mo na mga naranasan mo sa event na ito? Sa mga nagfull-marathon, Congratulations! Also to all the participants who participated who crossed the finish line. Bawat taon ang Milo Marathon ay isa sa mga pinakahihintay at malaking running event sa ating bansa, hindi lang ito pagdiriwang ng kanilang anibersaryo, ito rin ang paraan nila para makalikom para magamit nila sa kanilang advocacy na makapagbigay ng running shoes to ten thousand underprivileged children ngayong taon. Huling nakasali ako sa event na ito ay nung nakaraang taon December 2011, sa finals lang nagsisimula pa lang ako sa larangan ng pagtakbo at sa kategoryang 5k na di ko akalain na ganun pala karami ang sumasali sa mga ganitong event.
Ngayong taon naging malaking pagsubok ang event na ito dahil ginanap ito nung nakaraang July 29, 2012 kung saan nagsimula na ang panahaon ng pagulan, pero ipinakita ng ating mga Ka-Takbo na umulan man umaraw tuloy ang laban lalo na sa mga taong gusto magqualify sa 42k sa Manila Eliminations.
Marami rin akong mga nakitang iba't ibang grupo na talagang sumuporta sa ating mga runners sa iba't ibang kategorya. Isa rito ay ang grupong ito na nagbigay ng libreng serbisyo para sa kanilang kapwa runners, magbigay ng kaunting panlaban sa mga cramps na isa sa mga nararanasan ng ating mga Ka-Takbo sa tuwing long run.
Makikita natin kung gaano pinakakaabangan at sinuportahan ito ng mga Ka-Takbo natin ang 36th National Milo Marathon. Dumarami na rin ang mga tumatangkilik sa larangan ng pagtakbo, mapabata o matanda nagkakaroon na ng pagkahilig sa larangan ng pagtakbo.
Maraming salamat sa pagtangkilik at pagbibigay ng halaga sa larangang ito, hindi lang na sa naging masaya tayo kundi nakapagbigay din tayo ng ngiti sa mga batang nagnanais na magkaroon ng sapatos at makasabay sa pagtakbo sa karamihan.
No comments:
Post a Comment